Ilang dam sa Luzon, nagpapakawala ng tubig dahil sa patuloy na mga pag-ulan

Binuksan ngayong araw ng Angat Dam at Ipo Dam ang ilang gate nito para magpalabas ng tubig bunsod ng mga pag-ulan nitong mga nakaraang araw.

Tatlong gate ang binuksan ng Angat matapos umabot sa 214.82 meters ang lebel ng tubig nito na lagpas na sa 212 meters na normal water level nito.

Ang Ipo dam naman ay nagbukas ng anim na gate matapos umabot sa 101.04 meters ang lebel ng tubig nito na malapit na sa 101.10 meters normal water level nito.


Pinapayuhan naman ng PAGASA ang Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRMMC) at mga residente sa Norzagaray, Angat, San Rafel, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Hagonoy at Paombong na gumawa ng naaangkop na aksyon dahil sa inaasahang pagtaas ng tubig sa mga ilog na malapit sa nasabing mga lugar.

Facebook Comments