
Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na itinuturing nang state witness ang apat na dating opisyal at isang contractor na dawit sa mga maanomalyang flood control projects.
Ayon kay DOJ Undersecretary Nicholas Felix Ty, pormal na naitala ang kanilang pakikipagtulungan sa pamahalaan bilang bahagi ng imbestigasyon.
Ani DOJ Secretary Eric Vida, pumalo na sa mahigit ₱300 million ang halagang isinauli ng apat na umano’y tumanggap ng kickback mula sa mga proyekto.
Nilinaw naman ni Vida na ang pagbabalik ng pera ay hindi awtomatikong magreresulta sa pag-abswelto sa kanila — kailangan pa ring dumaan sa legal na proseso at masusing pagsisiyasat.
Nitong January 13, nagsauli si dating DPWH Usec. Roberto Bernardo ng ₱35 million na sinabing paunang bayad mula sa ibinentang ari-arian—bahagi umano ito ng kabuuang ₱150 million na restitution. Target ng pamahalaan na makabawi ng humigit-kumulang ₱1.5 billion mula sa apat na estado ng kooperasyon.
Dagdag pa ni Vida, umaabot na sa mahigit ₱21 billion ang halaga ng mga ari-arian na na-freeze ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na konektado sa mga dawit sa flood control anomaly.










