Ilang dating opisyal ng SRA at sugar millers, dapat parusahan sa sugar fiasco – UNIFED

Iginiit ng United Sugar Producers Federation of the Philippines (UNIFED) na dapat managot sa batas ang ilang dating opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) at sugar millers hinggil sa planong importasyon ng 300,000 metriko toneladang asukal.

Ito ang pahayag ng grupo sa gitna ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa sugar fiasco.

Ayon kay UNIFED President Manuel Lamata, naniniwala silang nagkaroon ng sabwatan sa pagitan nina SRA Administrator Hermenegildo Serafica at Philippine Sugar Millers Association President Pablo Lobregat.


Sa katunayan aniya ay noon pa nila inirereklamo ang mga katiwalian ni Serafica sa SRA pero ngayon lamang ito naungkat.

Facebook Comments