ILANG DAY CARE LEARNERS SA SAN NICOLAS, NABIGYAN NG KARAGDAGANG KAGAMITANG PANG-EDUKASYON

Nabigyan ng karagdagang kagamitan para sa edukasyon ang ilang mag-aaral sa tatlong Child Development Centers sa San Nicolas.

Nasa 32 school bags ang naipamahagi sa mga batang mag-aaral ng Angel’s Breath CDC sa Salpad, Gladiola CDC sa Bensican, at Tulip CDC sa San Isidro.

Masaya itong tinanggap ng mga bata na malaking tulong upang higit pang malinang ang kanilang kakayahan at pagkatuto sa paaralan.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na ipagpapatuloy ang mga programang tumutugon sa pangangailangang pang-edukasyon ng mga kabataan.

Facebook Comments