Ilang deboto sa Quiapo Church, ikinatuwa ang pagsasagawa ng tradisyunal na PABASA ngayong Semana Santa

Ikinatuwa ng mga deboto ng Poong Itim na Nazareno sa Quiapo Church ang muling pagbabalik ng tradisyunal na PABASA ngayong Semana Santa.

Nabatid na muling binuksan ng Quiapo Church ang PABASA sa publiko matapos ang dalawang taon na sa screen lang naipagdiwang dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon sa ilang organizers ng PABASA, bagama’t nagluwag ng restrictions ngayong Semana Santa, hindi pa rin nila kinakalimutan na nasa ginta pa rin ng pandemya ang bansa kaya’t mahigpit sila sa pagpapatupad ng health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at physical distancing.


Lubos na ikinatuwa ng mga deboto ang pagbalik ng taunang tradisyon na PABASA dahil Iba pa rin daw kasi ang pakiramdam ng pisikal na pagdiwang nito kumpara sa online lamang.

Mahigpit naman nagbabantay ang mga tauhan ng MPD Station-3 sa mga dumalo sa PABASA gayundin sa paligid ng simbahan ng Quiapo para masiguro ang kaayusan at kapayapaan.

Facebook Comments