Ilang debotong dumalo sa tradisyunal na pahalik, sa Quirino Grandstand na magpapalipas ng gabi para sa Traslacion bukas

Dito na piniling magpalipas ng gabi sa bahagi ng Quirino Grandstand ang ilang deboto ni Black Nazarene para sa Traslacion bukas Enero 9 araw ng Martes.

Ang ilan kasi nagmula pa sa mga probinsya na dumayo pa sa Maynila para lamang sa kanilang panata at sa pagsasagawa ng tradisyunal na ‘Pahalik’ sa Poong itim na Nazareno.

Ayon kay Edgardo Baisa, taon-taon naman nilang ginagawa itong ‘Pahalik’ at pagpupugay sa itim na Nazareno maging ang pagsama sa prusisyon noon bago pa mag-pandemya kahit na naghigpit na ngayon ay masaya pa rin sila na bumalik na ang Translacion.


Sa ngayon, nanatiling maayos at organisado ang pila sa tradisyunal na ‘pahalik’ bukod dito nakakalat pa rin ang pulisya at medical team para umalalay sa mga deboto na nangangailangan ng tulong.

Samantala, patuloy naman ang kanilang paalala lalo na sa mga sasama sa prusisyon na huwag ng magdala ng bag o gamit dahil inaasahan ang milyon-milyong mga deboto ngayong taon.

Facebook Comments