Ilang detalye sa burol ni Ople, inilabas na

Ilalagak ang bangkay ni Department of Migrant Worker (DMW) Secretary Susan ‘Toots’ Ople sa Heritage Memorial Park sa lungsod ng Taguig mamayang hapon.

Ayon sa kampo ng namayapang kalihim na magtatagal ito ng hanggang Agosto 29.

Hiniling ng pamilya na imbes na magbigay ng bulaklak ay ilagay na lamang ang donasyon sa Blas F. Ople Policy Center.


Sa nasabing paraan ay mapapanatiling buhay ang adbokasiya ni Sec. Susan Ople para sa pagsulong ng karapatan at kapakanan ng mga migrant workers.

Magugunitang nitong Martes ng hapon ng ianunsiyo ang pagpanaw ng kalihim sa edad na 61.

Si Ople ang unang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa bagong binuong opisina na DMW.

Una nang sinabi ng kalihim na siya ay nakikipaglaban sa breast cancer.

Facebook Comments