Ilang detalye sa kauna-unahang church wedding ni Ai-Ai, ikinuwento ng aktres

Manila, Philippines – Hindi maitago ng actress/comedienne na si Ai-Ai Delas Alas ang kanyang excitement para sa inaabangang church wedding nila ni Gerald Sibayan.

Kahit tatlong buwan pa bago ang kasala sa Disyembre 12, ngayon pa lang ay ibinahagi na ni Ai-Ai ang ilang detalye sa kanilang kasal.

Ilan sa mga sikat na personalidad na magiging bahagi ng wedding entourage sina Marian Rivera na tatayong veil sponsor; matron of honor naman ang megastar na si Sharon Cuneta; at maid of honor ang kanyang anak na si Sophia.


Samantala, best man naman ang anak niyang si Sancho gayundin ang best friend ng kaniyang fiance na si Alden Richards.

Colorful daw ang motif ng kanilang kasal kung saan magsusuot si Ai-Ai ng puting gown na may floral design na gawa ng fashion designer na si Frederick Peralta.

Regalo raw ito sa kanya ng Marian.

Ito ang kauna-unahang church wedding ni Ai-Ai.

Facebook Comments