Ilang DFA Consular Offices, sarado ngayong araw

 

Pagkatapos tumama ang magnitude 6.1 na lindol sa ilang bahagi ng Luzon at Metro Manila, hindi nagbukas ang ilang Consular Offices ng Department of Foreign Affairs ngayong araw.

 

Kabilang dito ang DFA Aseana, DFA CO South (Alabang Town Center), DFA CO West (SM Mla), DFA CO Central (Robinson’s Galleria), DFA CO East (SM Megamall), DFA CO Northeast (Ali Mall), DFA CO North (Robinson’s Novaliches), DFA CO Pampanga (SM San Fernando), DFA CO Angeles (Marquee Mall).

 

Ibig sabihin, kanselado ang passport application at renewal sa mga nabanggit na consular offices.


 

Ayon pa sa DFA, ang may confirmed appointments ngayong araw ay maaaring magtungo sa Consular Office mula bukas April 24 hanggang May 10.

 

Kinakailangan lamang dalhin ang inyong confirmed appointment packets kasama ang inyong e-receipt.

Facebook Comments