Ilang domestic flights, kanselado na dahil sa sama ng panahon

Kanselado na ang ilang mga flight ngayong araw, Miyerkules dahil sa sama ng panahon dulot ng Tropical Depression ‘Amang’ ayon sa Manila International Airport Authority.

Una ng nagsagawa ng inspeksyon ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa ilang paliparan sa Bicol Region, dahil sa dito nakikita ang tama no Tropical Depression Amang.

Ilan sa mga kanselado ayon sa MIAA ay ang


Cebu Pacific (5J)
5J 821/822 na biyahenh Manila-Virac-Manila

CebGo (DG)
DG 6113/6114 na may biyaheng Manila-Naga-Manila

Ayon sa huling ulat ng PAGASA, nakataas pa rin sa Signal No. 1 at binabaybay ang Northeastern Catanduanes at ang labing-isang lugar pa sa Luzon.

Agad namang nagkansela ng klase ang ilang paaralan para pa rin sa paghahanda sa hagupit na dala ng Bagyong Amang.

Pinayuhan naman ang mga pasaherong may flight ngayong araw na makipag-ugnayan na sa kanilang airline companies para makapag-rebook at schedule ng kanilang biyahe.

Facebook Comments