Kanselado na ang ilang domestic flights ng PAL Express at AirSWIFT ngayong umaga dahil sa masamang lagay ng panahon sa destinasyon nito.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA)Media Affairs Division Office, kabilang sa mga kinansela ang dalawang domestic flight ng PAL Express flight 2P 2198/2199 mula Manila-Laoag-Manila.
Kanselado rin ang tatlong domestic flights ng AirSWIFT flight T6 112/121 mula Manila-El Nido-Manila
Ganoon din ang flight T6 114 mula Manila-El Nido.
Pinayuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airlines para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.
Samantala, kanselado na ang ilang biyahe ngayong umaga sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX dahil sa sama ng panahon na dala ng Bagyong Egay sa Pilipinas.
Ayon sa pamunuan ng PITX, kanselado ngayong umaga ang biyahe ng OM transport na patungong San Jose Occidental Mindoro gayundin ang Ceres Transport.
Tinitingnan pa ng pamunuan kung matutuloy ang biyahe patungong Virac, Catanduanes, Pamplona, Leyte at Placer sa Masbate dahil patuloy pang inaalam kung ligtas bang makapaglayag ang mga RoRo vessle at matukoy ang kaligtasan ng mga pasahero.
Samantala, nagbigay paalala naman pamunuuan ng PITX sa publiko na makipag-ugnayan sa mga bus company at manatiling nakaantabay sa social media pages ng PITX para sa status at update ng kanilang mga biyahe.