Ilang dosenang barko na umano’y pagmamay-ari ng China, nakaalis na sa West Philippine Sea

Nakaalis na sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea ang ilang dosenang foreign vessels na umano’y pagmamay-ari ng China.

Sa inilabas na ulat ng US-based geospatial imagery firm, kakaunti na lamang ang nakitang barko sa lugar magmula noong July 12 kasunod ng ulat na ginawang tapunan ng basura ang Spratly Islands.

As of August 23 ay nananatili naman sa 71 ang nakitang barko sa Union Banks, 35 sa Thitu Reefs, at 88 sa mga teritoryong kabilang sa EEZ ng Pilipinas.


Samantala, lumabas din sa report na nagdulot ng pagkasira sa mga bahura ng Pilipinas ang mga barko ng China na kadalasang sinasamantala ang Brunei, Malaysia, Taiwan, at Vietnam.

Facebook Comments