Manila, Philippines – Ipapatawag ng House Committee on Rules ang ilang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod na pagdinig ng Kamara kaugnay sa multi-bilyong pisong flood control scam sa ilalim ng 2019 budget.
Ipapa-subpoena ng Rules Committee ang ilang mga DPWH officials para bigyang linaw ang sabwatan sa pag-apruba sa mga flood control programs partikular sa Bicol Region.
Kasama sa mga ipapatawag sina DPWH Undersecretary for Planning and PPP Ma. Catalina Cabral, Undersecretary for Regional Operations in Luzon Rafael “Pye” Yabut at Project Director ng Flood Control Management Cluster Patrick Gatan.
Mag-i-isyu din ng subpoena duces tecum ang Kamara para sa mga dokumento at transaction records na may kaugnayan sa flood control projects mula 2017 hanggang 2018.
Giit ni Andaya, sa halip na magkaroon ng kaliwanagan sa unang imbestigasyon ng Kamara lalo pang dumami ang mga katanungan.
Matatandaang lumutang ang isyu ng budget insertion ng DBM sa DPWH para sa mga flood control programs at ang paglalaan ng mga kwestyunableng proyekto sa mga hindi prayoridad na mga distrito nang makwestyon sa question hour ng Kamara si Budget Secretary Benjamin Diokno.