Ilang driver at commuter sa Maynila, hati ang opinyon sa pagtaas ng multa para sa mga sasakyang papasok sa EDSA Carousel Lane

Hati ang opinyon ng ilang driver at komyuter sa Maynila hinggil sa pagtaas ng multa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga sasakyang pumapasok sa EDSA Carousel Lane.

Ayon kay Ramil Davines, 15 years na taxi driver sa Metro Manila, wala naman daw problema sa kanila kung ito ang nais na ipatupad ng MMDA.

Sana lamang aniya, ang mga makokolektang penalty ay mapunta sa pondo ng gobyerno dahil baka pagmulan lamang ito ng panibagong korapsyon sa kalsada.


Napakataas din ng multa para kay Eduardo Conejos na 12 years nang taxi driver, kung kaya’t sana ay maintindihan ng mga enforcer na ang sitwasyon nilang mga driver.

Samantala, halos ganito rin ang opinyon ng private vehicle owner na si Jireh Villas na posibleng pagmulan ito ng pangongotong ng mga enforcer.

Sabi ni Villas, wala ito sa taas ng violation fee kundi nasa consistency ng pagpapatupad ng batas.

Marami kasi aniyang mga enforcer na nakatunganga lamang at tuwing may operasyon lang nanghuhuli at pagkatapos nito ay libre na uling nakakapasok ang mga sasakyan sa bus lane.

Sa kabilang banda, sang-ayon naman dito ang JoyRide rider na si RJ Dante para maiwasan umano ang mga aksidente.

Samantala, nagtanong rin tayo sa grupo ng mga commuters online at hati rin ang opinyon ng iilan dito.

May ibang commuter na pinuri ang mataas na penalty para matuto ang mga violators habang ang ilan naman ay hindi rin sang-ayon dahil posible nga raw itong gawing negosyo ng mga enforcer.

Facebook Comments