Ilang driver ng lumang jeep, limang araw nang nanlilimos

41

Nanlilimos na ang mahigit 50 drivers ng lumang jeepney sa kahabaan ng C.P. Garcia St. lungsod ng Quezon matapos ang mahigit tatlong buwang tigil pasada dahil sa pagpatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong National Capital Region (NCR).

Ayon kay Roger Lagundi, isa sa nanlilimos na jeepney driver, simula pa ng Biyernes noong nakaraang linggo sila nanghihingi ng barya sa mga dumadaang sasakyan sa naturang kalsada.


Aniya, halos wala na silang makain at nagugutom na raw ang kanyang pamilya kaya naman napilitan itong manglimos.

Kung magkano anya ang nakokolekta nilang barya sa loob ng isang araw ay pinaghahati-hatian ito ng 57 drivers sa sumama sa kanilang manglimos.

Dahil di tiyak ang kanilang pagbalik pasada, ang panawagan nila ngayon ay payagan na sila ng gobyerno na muling makabiyahe upang hindi na sila manatili sa lansangan para manlimos.

Facebook Comments