Ilang driver ng PUV, nakukulangan sa hakbang ng gobyerno hinggil sa taas-presyo ng langis

Nakukulangan ang ilang mga tsuper sa pampublikong transportasyon sa mga naging hakbang ng gobyerno para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Nabatid na sa huling ulat, nasa P1.25 ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina habang P0.40 hanggang P0.60 sa krudo at P0.60 hanggang P0.80 na taas-presyo sa kada litro ng kerosene na ikaapat na magkakasunod na linggo nangyari.

Giit ng ilang tsuper, bagama’t may subsidiya ay hindi naman ito direktang napupunta sa kanila dahil ang mga operator ang nakikinabang.

Ilang driver ng PUV, nakukulangan sa hakbang ng gobyerno hinggil sa taas-presyo ng langis

Ang ilang tsuper naman ay umaapela na gumawa sana ng hakbang ang pamahalaan upang kahit papaano ay mapigilan ang taas presyo ng petrolyo lalo na’t halos lahat ng kita nila ay napupunta na lamang sa gastos dito.

Facebook Comments