Ilang driver sa Cainta, Rizal, umalma sa pinipiling ayuda ng SAC program ng DSWD

Nanawagan kay Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto ang mga tricycle at jeepney drivers ng Sitio Halang, Barangay San Isidro, Cainta, Rizal na atasan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang bigyan ng ayuda ang ilang mga driver na hindi pa nabigyan ayuda na ₱6,500.

Ayon kay Rolando Flores, isang construction worker, bagama’t hindi pa siya nabibigyan ng ayuda mula sa DSWD ay nagmamagandang loob naman siya sa kanyang mga kaibigang driver na hindi pa nabigyan ng ayuda mula sa DSWD.

Paliwanag ni Flores, sana ay tuluy-tuloy at walang puknat ang pagbibigay ng tulong dahil nabigyan na noong Lunes ang mahigit 20 mga kasapi ng MTODA pero ang ilang mga miyembro nito na pinangakuan na mabigyan ng ayuda ay hindi pa rin nabibigyan ng tulong mula sa gobyerno.


Giit nitom dapat tapusin muna ang lahat ng mga driver na bigyan ng ayuda mula sa DSWD bago ang mga construction workers at factory workers.

Umaasa ang ibang mga driver na hindi miyembro ng association na mabibigyan din sila noong Miyerkules, kahapon, ng ayuda na Social Amelioration Card program ng DSWD.

Dagdag pa ni Flores, dapat umano ay walang pinipiling bibigyan upang walang samaan ng loob ng ilang mga driver na hindi naaabutan ng tulong mula sa gobyerno.

Facebook Comments