Manila, Philippines – Napabagsak na ng militar ang ilang drones na kinokontrol ng Maute group.
Ayon kay Task Force Marawi Spokesperson, Lt. Col. Jo-Ar Herrera – ginagamit ng mga kalaban ang mga drones para ma-monitor ang galaw ng mga sundalo.
Sinabi naman ni Crisis Management Committee Spokesman Zia Alonto Adiong – patuloy pa ring tinatamaan ng ligaw na bala ang gusali ng provincial capitol na itinuturing na pinakaligtas na lugar sa Marawi City.
Dagdag pa ni Adiong – napipilitan nang kumain ng karton at kumot ang mga residenteng naiipit sa bakbakan dahil sa kawalan ng suplay ng pagkain.
Sa ngayon, patuloy ang pag-apela ng mga lokal na opisyal sa Marawi sa AFP na tapusin ang krisis para mailigtas ang mga sibilyang na nasa gitna ng labanan.
Facebook Comments