Aminado ang ilang mga eksperto na mahirap talaga masolusyunan ang problema sa trapiko dahil sa mga Terminal sa kahabaan ng Edsa.
Sa ginanap na forum sa Tapatan sa Manila sinabi ni Special Assistant to Secretary Arthur Tugade Engr. Alberto Suansing na isa sa tinitingnan ng DOTr ang mga pasahero na umuuwi galing Probinsiya araw araw sa Edsa sa pagba ban ng mga Provincial Bus Ban dahil sa pagkakaroon ng Mega Terminal sa Santa Rosa Laguna,Bicutan at Bocaue na masusing pinag aaralan ng ahensiya.
Paliwanag ni UP-Planades Executive Director Dr. Primitivo Cal Jr. na hindi pa tapos ang kanilang plano dahil ang impact ng naturang plano na Integrated upang lubusan matugunan ang problema sa matinding trapiko sa Edsa.
Giit ni Cal na ang solusyon ay nasa ibang ahensiya kaya napakahirap talaga masolusyunan ang daloy ng trapiko sa Edsa pero sa ibang bansa aniya ay mayroon isang ahensiya ng gobyerno ang tumututok sa problema sa trapiko.