Ilang eksperto, nagbabala sa bilateral talks ng Pilipinas at China kaugnay sa pina-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea

Manila, Philippines – Nagbabala ang ilang eksperto kaugnay sa nalalapit na pulong ng Pilipinas at China tungkol sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay dating Ambassador Jose Apolinario Lozada, dapat na mag-ingat ang mga kinatawan ng Pilipinas sa bawat salitang bibitawan nila.

Dagdag pa nito, dito masusubukan ang galing at pasensya ng Pilipinas sa pakikipagnegosasyon.


Matatandaang inaangkin ng China ang halos kabuuan ng South China Sea kahit pa ibinasura na ng arbitral tribunal ang claim nito sa ilang mga teritoryo noong isang taon.

Duda naman ang security analyst na si Francisco Ashley Acedillo na may magandang mahihitnan ang pag-uusap.

Aniya, ilang beses na kasing sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang balak na isulong ang naipanalong kaso ng bansa sa permanent court of arbitration.

Gayunpaman, ayon kay Lozada, mahalagang hindi nakakalimutan ng Pilipinas ang paghahabol nito sa ilang teritoryo sa South China Sea kahit pa umuulan ngayon ng mga pangakong ayuda at puhunan sa bansa galing sa China.

DZXL558

Facebook Comments