MANILA – Pumirma ng kasunduan ang Commission On Elections, Integrated Bar of the Philippines at Philippine Association of Law Schools para mag-set up ng legal assistance desk sa mga polling center sa araw ng halalan.Pero ayon kay Parish Pastoral Council for Responsible Voting Chairperson Henrietta De Villa, masyadong maraming ibang inaatupag ang Comele sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga mas importanteng dapat paghandaan para tiyaking maayos ang botohan.Matatandaang kamakailan ay naging abala ang poll body sa isusuot ng mga magsisilbing Board of Election Inspectors o BEIS, panukalang mall voting at maging ang paggamit ng hotel sa araw ng halalan.Hindi naman naiwasan ni dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal na mabahala sa ibang pinaghahandaan ng poll body… gayung 27 days na lang ang natitira bago mag-eleksyon.Pero sabi ni Comelec Chairman Andres Bautista, pag-uusapan na ngayong araw ng Comelec En Banc ang draft ng general instruction.Reklamo pa ni De Villa, hindi rin ipinapaalam ang deployment ng mga gagamitin sa halalan sa mga probinsya… kaya hindi ito mabantayan.baka kulangin din aniya sa thermal paper na pag-iimprentahan ng resibo.kaagad namang sinagot ng Comelec sa pamamagitan ni Dir. James Jimenez, tagapagsalita ng poll body ang mga puna sa kanila.
Ilang Election Watchdog, Ikinababahala Ang Pag-Aatupag Ng Commission On Election Sa Ibang Mga Aktibidad
Facebook Comments