Ilang embahada ng ibang bansa, nagpahayag ng suporta sa Pilipinas matapos ang insidente ng harrasment ng China Coast Guard

Mariing kinondena ng ibat-ibang embahada na nandito sa Pilipinas ang panibagong harassment ng China sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Ayungin Shoal.

Sa inilabas na pahayag ng Embahada ng Amerika, tiniyak nila na magiging katuwang ang Pilipinas sa anumang hangarin na panatilihin ang kapayapaan sa West Philippine Sea kung saan mariin nilang kinokondena ang ginawa ng China Coast Guard.

Ayon naman sa British Embassy sa Pilipinas, mariin nitong tinuligsa ang ginawang panghaharang at paggamit ng water cannon ng China Coast Guard habang naglalayag patungong Ayungin Shoal ang PCG para maghatid ng suplay ng pagkain ng mga sundalong Pilipino.


Nanindigan din ang Embahada ng Britanya na kaisa ito ng Pilipinas sa pagpapatupad ng International Law.

Ang Embahada naman ng Canada sa Pilipinas ay umaapela sa Peoples Republic of China na sundin ang International Law at respetuhin ang maritime boundaries.

Kapwa inihayag ng mga nabanggit na embahada na masiyado umanong marahas at mapanganib sa banta ng kapayapaan ang ginawa ng China laban sa Pilipinas.

Facebook Comments