Ilang empleyado ng DOJ, hindi na muna pinapasok sa harap ng pagdami ng mga kawani na nagpositibo sa rapid test

Hindi muna ino-obliga ng Department of Justice (DOJ) na pumasok ang kanilang mga empleyado lalo na ang nakatapos na ng rapid test.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, maging ang mga empleyado na hindi na kailangan magreport sa trabaho physically ay pinapayuhan nila na magwork from home na lamang.

Ang mga nagpositibo naman sa rapid test ay hindi na rin pinapasok sa trabaho at sa halip ay pinasasailalim sa swab test o confirmatory test.


Tiniyak naman ni Sec. Guevarra na muli nilang isasailalim sa disinfection ang DOJ premises.

Hindi muna sinuspinde ang pasok ng mga empleyado ng DOJ para mabigyan ng pagkakataon ang iba pang mga kawani na maisailalim sa rapid test.

Sa pagpapatuloy ng rapid test ngayong araw, labing anim (16) mula sa 175 na mga sinuri na empleyado ang nagpositibo.

Kahapon, 43 out of 273 na mga empleyado ang nagpositibo sa rapid test.

Facebook Comments