Ilang Empleyado ng DPWH 3rd Engineering District, Pansamantalang Nag-work from Home

Cauayan City, Isabela- Naka-work from home ngayon ang ilang empleyado ng DPWH 3rd Engineering District na nakabase sa Lungsod ng Cauayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa mapagkakatiwalaang source, ito’y matapos na magkaroon ng direktang pakikisalamuha ang isa nilang contractor na hindi pinangalanan sa isang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 mula sa Angadanan, Isabela.

Nagkaroon din umano ang nasabing contractor ng direct contact at transakyon sa ilang mga empleyado ng DPWH 3rd Engineering District kaya’t agad na nagsagawa ng contact tracing sa lahat ng mga posibleng nakasalamuha nito.


Kaugnay nito, strikto ang tanggapan ng nasabing ahensya sa pagpapatupad ng mga protocols para sa kaligtasan na rin ng mga empleyado.

Ayon pa sa source, tuloy pa rin naman aniya ang ilan sa kanilang mga proyekto na kasalukuyang ginagawa sa ilalim ng programa ng DPWH na isinasagawa ng maraming contractor.

Ito ay para hindi rin umano matigil ang mga proyekto ng DPWH 3rd Engineering District lalo na ang mga kinukumpletong daan at ilang mahahalagang mga imprastraktura sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments