Cauayan City- Sumailalim sa Basic First Aid at Emergency Training ang mga tinaguriang front liners ng SM Cauayan gaya ng kanilang mga security personnel, mga janitors at ilan pang mga piling empleyado ng naturang kumpanya.
Batay sa nakuhang kaalaman ng RMN News Cauayan mula kay Kristal Gayle Agbulig,PR Manager ng SM Cauayan City Cauayan, layunin ng naturang pagsasanay ay upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga empleyado nito lalo na ang mga tinaguriang mga frontliner nila sa pagtugon sa anumang sakuna o insidente na maaring mangyari sa loob ng nasabing establisyemento gayundin ay upang mapangalagaan ang kanilang mga kostumer.
itinuro din sa mga ito ang mga dapat isaalang alang sakaling may maganap na sakuha o aksidente at kung papaano ang wasto at mabilis na pagtugon sa mga ito.
Ang pagsasanay ay pinangunahan mismo ng kanilang medical team, katuwang ang Rescue 922 ng lokal na pamahalan ng lungsod ng Cauayan.