ILANG EMPLEYADO NG MGA BUSINESS ESTABLISHMENTS NA MAAAPEKTUHAN NG ROAD ELEVATION AT DRAINAGE UPGRADE SA DAGUPAN CITY, DI PA RIN SANG-AYON SA NAGAGANAP NA KONSTRUKSYON

Nagpahayag ng di pagsang-ayon ang ilang mga empleyado sa mga business establishments na apektado kaugnay sa kasalukuyang pagpapataas ng mga kalsadahan at pagpapalaki ng mga drainages sa Dagupan City kahit pa naumpisahan na ang kontruksyon ng nasabing proyekto partikular sa kahabaan ng AB Fernandez at Arellano St.
Ang ilan sa mga naimbitahang trabahador ng mga apektadong establisyimento sa Public Consultation ay hindi na rin umano pinaanyayahan ang nasabing konsultasyon dahil wala naman na raw magagawa ang mga ito dahil nga naumpisahan na ang proyekto.
Dapat sana bago pa umano umpisahan ang road Elevation at drainage upgrade ay nauna muna ang pagsasagawa ng public consultation para malaman kung payag ba ang mga ito o hindi.
Matatandaan na nito lamang Martes ay nagkaroon muli ng ikalawang public consultation na pinangunahan ni Chairman on Committee in Public Works na si Coun. Alvin Coquia kasama ang ilan pang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod upang makapagbigay ng hinaing at opinyon ang mga apektadong negosyo, telco companies maging ang mga concerned Dagupeños.
Samantala, kaugnay naman dito, ipinahayag ng alkalde ng lungsod na maaaring makapagbigay ang lokal na pamahalaan ng Dagupan ng Assistance para sa mga apektadong mga establisyemento ng proyekto ng DPWH Region 1.
Facebook Comments