Kinumpirma ng Philippine Consulate General (PCG) sa Hong Kong na maraming employers ng Filipino domestic workers ang lumipat na ng bansa sa harap ng nararanasang ika-5 wave ng COVID-19 sa Hong Kong
Ilan naman employers ng Pinoy domestic workers ay bumalik na lamang sa kani-kanilang mga bansa.
Bunga nito, umaabot na sa 5,000 Filipino domestic workers sa Hong Kong ang nawalan ng trabaho.
Ilan din sa naturang OFWs ay nagbakasyon lamang sa Pilipinas noong Pasko pero hindi na nakabalik ng Hong Kong dahil sa ilang buwan nang travel ban laban sa Pilipinas at sa 8 iba pang mga bansa.
Ilan din sa Pinoy domestic workers ay napaso na ang working visa kaya hindi na nakabalik ng Hong Kong habang may ilan ding na-terminate ang kontraya.
Facebook Comments