Nagkasa ng kilos protesta ang ilang environmentalists group sa labas ng Department of Justice (DOJ).
Ito ay para hilingin sa Kataas-taasang Hukuman na desisyunan na ang petition for habeas corpus at habeas data na inihain nina Jonila Castro at Jhed Tamano noong Setyembre ng nakalipas na taon.
Giit ng grupong Kalikasan People’s Network for the Environment – kahit pinalaya na ang dalawa, tuloy pa rin naman ang harassment sa dalawa at kanilang mga pamilya.
Kasama rito ang pahayag ng DOJ na puwedeng kasuhan ng grave oral defamation ang dalawa.
Ito’y matapos silang ilabas noon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) para pabulaanan ang paratang na dinukot sila pero taliwas dito ang sinabi ng dalawa na isiniwalat ang puwersahang pagkuha umano sa kanila ng mga awtoridad.
Giit ng grupo, marami pang environmentalists ang nahaharap sa katulad na aksyon ng gobyerno sa halip na suportahan sa pagtatanggol sa kalikasan.