Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) na on-going na ang ginagawang pagkukumpuni sa mga hindi gumaganang escalator sa Terminal 2 at 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA)
Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines, target nila sa susunod na buwan ay dapat gumagana na ang lahat ng escalators sa paliparan.
Sa kanila kasing pakikipag-ugnayan sa contractor, posibleng abutin ng hanggang anim na buwan ang pagkukumpuni sa naturang mga escalator nang dahil sa kawalan ng availability ng spare parts nito.
Hindi umano natuwa ang MIAA kung kaya’t bumili na lamang sila ng made in China na mga piyesa kasabay ng pagtatakda ng timeline para sa agarang pagsasaayos nito.
Siniguro naman nila na agad na maayos ang mga escalator sa naturang paliparan sapagkat nakikita na rin nila ang epekto nito sa mga indibidwal o pasahero na gumagamit ng naturang paliparan.