Ilang eskwehalan sa Metro Manila, hahandugan ng regalo ng DZXL Radyo Trabaho, RMN Foundation bilang pagkilala sa mga guro para sa World Teacher’s Day

Kahit maulan dala ng bagyo maging isolated thunderstorm, hindi papaawat ang RMN Foundation, DZXL Radyo Trabaho at mga private company partner natin upang maghatid ng saya para sa pagdiriwang ng World Teacher’s Day.

Kanina unang pinuntahan ang Manggahan High School sa Pasig City kung saan personal na tinanggap ng principal na si Monette Vega ang handog na regalo ng ACS Manufacturing Corp. katuwang ang ating himpilan at RMN Foundation.

10 kahon ng iba’t ibang produkto ng ACS Manufacturing Corp. ang ipinamahagi sa Manggahan, Pasig at mayroon pang 30 kahon para sa iba pang school.


Kabilang sa laman ng kada kahon ay Pride detergent powder at Smart diswashing liquid.

Samantala, bukod dito ay mayroon pang 3 paaralan sa Las Piñas ang pupuntahan ng ating team dala ang mga regalo bilang pagkilala sa magigiting na guro na patuloy na ginagampanan ang tungkulin sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments