Ilang eskwelahan, inaprubahan ng DepEd para gamiting isolation centers – MMDA

Pinahintulutan ng Department of Education (DepEd) ang paggamit ng public schools sa National Capital Region (NCR) bilang COVID-19 isolation facilities.

Nagpapasalamat si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos kay Education Secretary Leonor Briones na aprubahan na gamitin ang ilang paaralan bilang isolation centers.

Dagdag pa ni Abalos, ang mga eskwelahan ay maaari ring gamitin bilang vaccination sites.


Iginiit ni Abalos na mahalagang mahiwalay ang mga asymptomatic COVID-19 cases dahil maaari nilang mahawaan ang iba nilang mga kasama kung sa kanilang mga bahay sila magka-quarantine.

Ang mga hotel na nagsisilbing isolation facilities ay 90-porsyentong okupado dahil sa case surge.

Nasa 71.84% nang puno ang temporary treatment at monitoring facilities para sa mild symptomatic patients.

Ang MMDA ay nakapagpadala ng 300 contact tracers para sa 17 siyudad sa Metro Manila, habang ang Philippine National Police (PNP) ay nagpakalat ng 362 virtual contact tracers.

Nasa 169 na lugar sa Metro Manila ang nasa ilalim ng granular lockdown.

Facebook Comments