Ilang establisyimento sa Lungsod ng Maynila, nabigyan na ng Safety Seal Certification

Binigyan ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila ng Safety Seal Certification ang ilang mga establisyimento sa lungsod.

Ito’y matapos silang pumasa sa isinagawang inspeksyon ng mga tauhan ng Manila LGU.

Ilang establisyimento na naksunod sa itnakdang Safety Health Protocol ay ang mga sinehan, isang tindahan ng beauty products at apat na food chain sa Lucky China Town.


Kabilang rin ang Manila Ocean Park, Cyberworld, 999 mall, Divisoria Mall at admin nito gayundin ang food chain na matatagpuan sa Manila Doctors Hospital.

Muling iikot ang ilang tauhan ng lokal na pamahalaan ng Maynila upang inspeksyunin ang iba pang establisyimento sa lungsod para malaman kung nakakadunod sila sa Safety Health Prtocols upang magkaroon na rin ng nabanggit na certification.

Facebook Comments