Nagkaroon ng job fair sa Caloocan para sa mga estudyanteng nais maging working student.
Ito ay upang matulungan ang mga estudyante at out-of-school youth na makahanap ng trabaho.
Ang Special Program for the Employment for Students o SPES ay inilundsad katuwang ang Public Employment Service Office (PESO), Department of Labor at McDonalds.
Aabot sa 39 na kabataang mag-aaral ang nabigyan ng trabaho.
Umaasa si Caloocan City Mayor Along Malapitan na makakatulong ito sa kanilang gastusin sa pag-aaral.
Kasunod nito, patuloy na naghahanap ang Caloocan local government unit (LGU) ng organisasyong makakatuyang upang mas mapalaki pa ang programang ginawa at mas maraming mag-aaral ang matulungan.
Facebook Comments