Ilang evacuees na nais bumalik ng kanilang tahanan, hindi muna pinapayagan

Hindi pa rin papayagan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang ilang mga residenteng inilikas sa mga lugar na binaha kahapon.

Sa abiso ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), wala pa kasiguraduhan kung ligtas na ba bumalik sa kanila-kanialng tirahan ang mga evacuees kahit pa hindi na nakakaranas ng malakas na pag-ulan.

Partikular na hindi pinapabalik ang mga residenteng nakatira sa Isla Puting Bato sa Tondo na nananatili sa Delpan evacuation center.


Nabatid na karamihan sa mga inilikas ma pamilya sa Isla Puting Bato ay nawasak ang tahanan sa kasagsagan ng malakas na buhos na ulan.

Sa datos ng lokal na pamahalaan ng Maynila, 3,739 na pamilya at 23 iba pa ang nananatili sa mga higit 50 evacuation centers sa lungsod.

Patuloy rin naman ang pagbibigay suporta ng Manila Department of Social Welfare sa mga evacuees kung saan nakakatanggap sila ng mga food packs at mga personal hygiene.

Facebook Comments