Bilang pakikiisa sa diwa ng Kapaskuhan, hindi naningil ng toll ang Skyway O&M Corp., Manila Toll Expressway Systems, Inc. at Star Tollway Corp. sa mga motorista.
Ang Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAX), South Luzon Expressway (SLEX), Skyway System at Southern Tagalog Arterial Road (STAR) ay toll-free simula alas-diyes ng gabi ng December 24 hanggang alas-sais ng umaga ng December 25.
Libre din ang paggamit ng mga nasabing tollways mula alas-diyes ng gabi ng December 31, 2018 hanggang alas-sais ng umaga ng January 1, 2019.
Ang hindi paniningil ng toll ng mga nasabing kumpanya ay bilang pasasalamat sa mga motoristang tumatangkilik ng kanilang expressways.
Facebook Comments