Ilang fans, sinamantala ang long weekend para mapanood ang pag-eensayo ni Manny Pacquiao

Manila, Philippines – Sinamantala ng ilang fans ang long weekend para mapanood ang pag-eensayo ni Sen. Manny Pacquiao sa General Santos City.

Ito’y kasabay ng nalalapit nitong laban kontra sa Autralianong si Jeff Horn.

Alas-7:00 pa lamang ng umaga ay nagsisimula nang tumakbo si Pacman kasama ang kanyang asawa na si Jinky at team Pacquiao na sinundan ng 10 lapse sa track oval at core exercises.


Kapansin-pansin din ang suot na cap ng mag-asawang Pacquiao na sumusuporta sa Golden State Warriors.

*Samantala*, gaganapin ang game 5 ng Warriors kontra Cleveland Cavaliers bukas, alas-9:00 ng umaga.
DZXL558

Facebook Comments