Nasira ng Bagyong Uwan ang ilang fishpen ng mga fish grower sa coastal areas ng Dagupan City, dahilan upang magsagawa ng agarang salvage operation ang mga mangingisda.
Ayon sa ulat, ilang alagang bangus ang sinalba ng mga residente sa mismong gabi ng bagyo.
Sa Barangay Calmay, sama-samang binuhat ng mga fish grower ang mga natirang isda mula sa nasirang fishpen upang maiwasan ang lubos na pagkasira at mapakinabangan pa ang produkto.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ang mga mangingisda ng pagsasaayos at pag-aayos ng kanilang mga fishpen upang makabangon at makabawi mula sa pagkawala ng kanilang mga produkto.
Patuloy ang monitoring sa mga apektadong fishpen habang nagpapatuloy ang pagtulong ng lokal na pamahalaan sa sektor ng pangisdaan sa lungsod.











