Ilang flight sa Batanes, apektado ng masamang panahon ; Operasyon ng ilang airlines bukas sa Mactan Airport-normal sa kabila ng pagsasara ng runway

Manila, Philippines – Kinansela ng PAL Express ang flight nito ngayong araw patungo ng Basco,Batanes at pabalik ng Maynila.

Bunga ito ng masamang panahon sa nasabing lugar.

Partikular na kinansela ng PAL Express ang 2P 2084 at 2P 2085 o Manila-Basco-Manila.


Samantala, tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines na normal pa rin ang magiging operasyon ng ibang airlines sa Mactan Cebu International Airport.

Ito ay sa kabila ng pagsasara ng bahagi ng runway ng nasabing airport bukas ng madaling araw.

Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, ang flights lamang ng Cebu Pacific ang maaapektuhan ng runway closure dahil ang nasabing airline ang may maraming flights sa Mactan Airport sa pagitan ng alas dos y medya ng madaling madaling araw hanggang alas otso y medya ng umaga.

Facebook Comments