Ilang flights, apektado ng masamang panahon

29
Manila, Philippines – Dahil sa masamang panahon, kanselado ang ilang domestic flights ngayong araw.
 
Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority – kanselado ang biyahe ng Cebu Pacific na 5J 771 Manila-Pagadian at 5J 772 Pagadian-Manila at flight 5J 781 manila to Ozamiz at 5J 782 Ozamiz to Manila.
 
Ang PAL Express naman ay kinansela na rin ang kanilang flights 2P 2889 at 2890 Manila – Ozamiz – Manila.
 
Payo ng MIAA sa mga apektadong pasahero, makipag-ugnayan sa airline companies para sa refund o rebooking ng kanilang biyahe.
 
 Tags: RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments