
Kanselado na ang ilang flight ng Philippine Airlines dahil sa sama ng panahong dulot ng Bagyong Opong.
Kabilang dito ang Philippine Airlines Flights PR2653 at 2654 na biyaheng Cebu-Catarman—vice versa at PR 2671 at 2672 na biyaheng Manila-Calbayog at pabalik.
Kasunod nito, nag-alok naman ng flexible options ang Cebu Pacific sa mga pasaherong nais ipagpaliban ang kanilang flights sa mga sumusunod na lugar kabilang na ang:
Butuan
Calbayog
Legazpi (Daraga)
Masbate
Naga
San Jose (Mindoro)
Siargao
Surigao
Tacloban
at Virac, Catanduanes.
Maaaring mag-avail ng libreng rebooking at travel fund ng hanggang dalawang oras bago ang nakatakdang biyahe ang mga pasahero.
Pinapayuhan din ang mga ito na bantayan ang kanilang scheduled flights ngayon hanggang Sabado dahil sa pagtama ng bagyo.









