Ilang flights na nakansela dahil sa Bagyong Opong, balik na sa normal

Balik na sa normal ang ilang mga flights matapos ang paghagupit ng Bagyong Opong maliban sa Masbate Airport na nasira dahil sa nasabing pananalasa.

Matatandaan na halos umabot sa 100 flights ang kinansela sa buong bansa dahil sa nasabing bagyo.

Samantala, umabot naman sa 10 hangang 15 milyong halaga nang pinsala ang inabot ng Masbate Airport.

Ayon kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, nagbigay sya ng direktiba sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na maghanap pansamantala ng makeshift terminal para sa mga pasahero habang isinasagawa ang pagsasaayos sa nasabing nasirang airport.

Target naman ng CAAP na ituloy ang mga flight sa Masbate Airport sa Lunes.

Facebook Comments