Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na apat na flights ng Cebu Pacific ang kinansela ngayong araw patungong Tuguegarao dahil sa Bagyong Leon.
Ayon sa CAAP, mahigit 500 mga pasahero ang apektado ng flight cancellations bagamat wala namang stranded na mga pasahero.
Sa kabila nito, tiniyak ng CAAP na nananatiling normal ang operasyon sa Tuguegarao Airport.
Bukod sa commercial flights, hindi rin pinapayagang lumipad ang local flights at light aircrafts sa Northern Luzon dahil sa typhoon signal advisory.
Nananatili ring normal ang operasyon ng Cauayan Airport
Gayunman, hindi rin pinapayagan ang paglipad ng mga eroplano sa coastal town ng Isabela.
Facebook Comments