Thursday, February 5, 2026

Ilang flights sa mga paliparang pinangangasiwaan ng CAAP, kanselado na dahil sa masamang panahon na epekto ng Bagyong Basyang

Kanselado na ngayong araw ang ilang flights o biyahe dahil sa masamang panahon dulot ng Bagyong Basyang.

Sa inilabas na report mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), suspendido ang flight Philippine Airlines (PAL) partikular na ang biyahe ng 2P 2351-2352 na biyaheng Cebu- Siargao at vice versa.

Habang kanselado rin ang biyahe ng 2P 2382-2383 na biyahe pa ring Cebu to Siargao-Siargao to Cebu.

Kinansela rin ang biyahe dahil sa masamang papanahon ng flight 2P 2875-2375 na biyaheng Clark-Siargao-Cebu.

Maging ang flight 2P 2973-2974 ay pansamantalang sinuspinde na biyaheng Manila-Siargao at vice versa.

Ayon sa CAAP, patuloy silang naka-monitor sa lagay ng panahon at sa sitwasyon sa mga paliparan.

Inabisuhan na rin nila ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline company para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.

Facebook Comments