Manila, Philippines – Hindi pa rin natatapos ang ilang proyekto ng gobyerno sa Metro Manila para maibsan ang pagbaha ngayong tag-ulan.
Aminado si MMDA General Manager Tim Orbos – nakatengga pa rin kasi ang ilang flood control projects ng DPWH.
Dagdag pa ni Orbos – balak na rin nilang i-modernisa ang mga pumping stations at patuloy ang paglilinis sa mga estero at kanal.
Giit naman ng DPWH na matatapos naman sa target na petsa ang mga sinasabing proyekto pero aabutin pa ng ilang taon para maging flood-free ang kamaynilaan.
Babala naman ng MMDA na kakasuhan ang mga barangay officials na hindi tutulong sa mga ant-flooding projects ng gobyerno.
DZXL558
Facebook Comments