Sa kabila ng bahagyang pagkakaroon ng suplay na sibuyas sa bansa, ilang food store pa rin sa Metro Manila ang hindi muna gumagamit ng sibuyas sa kanilang produkto.
Sa Makati City, may ilang food cart ang hindi muna naglalagay ng sibuyas sa kanilang ibinebentang pagkain gaya ng shawarma rice at burger.
Paliwanag ng mga may-ari ng cart, nananatili pa rin kasi na mahal ang presyo ng kada ng sibuyas sa mga pamilihan.
Batay sa price monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI), nasa ₱250 hanggang ₱310 ang kada kilo ngayon ng lokal na pulang sibuyas habang ₱150 hanggang ₱260 sa white onions.
Nasa ₱160 hanggang ₱260 sa imported red onions at ₱160 hanggang ₱200 sa imported na puting sibuyas.
Samantala dahil pa rin sa mahal ng sibuyas, isang Japanese store sa Quezon City ang may promo ngayong araw kung saan tumatanggap sila ng bayad na sibuyas.
Nakadepende sa mga produktong bibilhin sa naturang tindihan ang laki at bilang ng mga ibabayad na sibuyas.