Ilang foreign terrorist – kabilang sa mga kumpirmadong nasawi sa bakbakan sa Marawi City

Manila, Philippines – Kinumpirma ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kabilang sa mga nasawing miyembro ng Maute Group ay mga foreign terrorist mula Malaysia at Indonesia.

Ayon kay AFP Spokesperson Restituto Padilla, nakikipag-ugnayan na sila sa gobyerno ng mga naturang dayuhan para sa tulong na maaari nilang maibigay.

Samantala, muling iginiit ng AFP na walang dapat ikaalarma sa pagdedeklara ng martial law sa Mindanao dahil titiyakin nilang hindi ito maaabuso ng militar.


Nilinaw din ni Padilla na walang nangyayaring gulo sa pagitan ng gobyerno at ng MILF at MNLF sa harap ng deklarasyon ng martial law.

Katunayan aniya, nagpahayag na ng kooperasyon dito ang mga nasabing grupo.

DZXL558

Facebook Comments