Ilang frontliners ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakatalaga sa New Bilibid Prison (NBP) ang nag-positibo sa COVID-19 rapid testing.
Ayon kay NCRPO Director Debold Sinas, 202 tauhan nito ang sumailalim sa rapid testing na isinagawa noong May 8 at 9.
Sa nasabing bilang, apat mula sa 131 miyembro ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) at isa sa 71 personnel ng Special Action Force (SAF) ang nag-positibo sa virus.
Sumasailalim na sa 14-day isolation ang apat na miyembro ng RMFB sa quarantine facility ng NCRPO para sumailalim naman confirmatory test.
Habang naipaalam na sa opisyal ng SAF ang kondisyon ng isa nitong miyembro.
Ayon kay Sinas, layon ng nasabing rapid testing na matukoy kung sino sa mga frontliner ng NCRPO ang nangangailangan ng tulong medical kaugnay ng COVID-19 at nang sa gayon ay mapigilan ang pagkalat nito.