Ormoc City – Binisita ngayon ng ilang Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Ormoc City, isa sa matinding naapektuhan ng malakas na lindol noong nakaraang linggo sa Visayas Region.
Ayon kay Presidential Spokesman Erneto Abella, nagsagawa ng briefing sa lugar kung saan kinuha ng mga miyembro ng Gabinete ang mga impormasyong kailangan para mabilis na makagawa ng aksyon ang National Government o matugunan ang pangangailangan ng mga residenteng apektado ng lindol.
Sinabi ni Abella na gagawa ng report ang mga Gabinete na siya namang isusumite kay Pangulong Duterte upang mabilis na maaksyunan.
Bukod kay Abella ay nagpunta din sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Transportation Secretary Arthur Tugade, Energy Secretary Alfonso Cusi, NDRRMC Executive Director ricardo Jalad at mga kinatawan mula sa Department of Health, Department of Social Welfare and Development, National Economic Development Authority.
Kabilang din sa mga nakipagpulong ang mga local na opisyal ng mga local na pamahalaan na naapektuhan ng malakas na lindol.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558