Ilang gamot, kinakitaan ng positibong epekto laban sa COVID-19

Kinakitaan ngayon ng World Health Organization (WHO) ng positibong epekto laban sa COVID-19 ang ilang gamot.

Ang mga gamot na sinusuri ngayon ng WHO ay sinasabing naglilimita ng malubhang dulot ng COVID-19 sa katawan ng isang pasyente.

Ang Geneva based WHO ang nangunguna sa pagdevelop at pag-aaral sa mga ligtas at epektibong gamot at bakuna laban sa Coronavirus Disease.


Ayon sa tagapagsalita ng WHO na si Margaret Harris, nasa apat o limang gamot ang nakitaan ng positibong epekto sa COVID-19.

Paglilinaw nito, hindi pa ito ang nadevelop na gamot na makakapatay o makakapagpatigil sa pagkalat ng naturang virus.

Sabi pa ni Harris, itinuturing nila ang Coronaviruses bilang “very tricky viruses” na lubhang mahirap hanapan ng bakuna na makapupuksa dito.

Facebook Comments