Ilang gamot sa ubo at hika ng Ace Pharmaceuticals, Inc., ni-recall ng FDA

Ni-recall ng Food and Drug Administration (FDA) ang ilang gamot sa ubo at hika ng Ace Pharmaceuticals, Inc.

Kabilang dito ang Sodium Bicarbonate, Salbutamol, Thiamine Hydrochlorides fluid at Thiamine Hydrochloride Vitamin B1.

Ayon sa FDA, batay sa inspeksyon ng kanilang Field Regulatory Operations Office, delikado sa kalusugan ang naturang mga produkto dahil kontaminado na ang mga ito.

Pinapayuhan din ng FDA ang mga botika at clinic na huwag nang ibenta ang naturang mga produkto.

Inaabisuhan din ng FDA ang publiko na huwag nang gamitin ang mga nabanggit na gamot.

Hinimok naman ng FDA ang lahat ng Local Government Units (LGU) at Law Enforcement Agencies (LEAs) na tiyakin na hindi maibebenta ang naturang mga produkto sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments